PILIPINO HAIKU (HAY-NA-KU)

Tulog ang katawan,
gising ang kalooban

Salaping nakasisilaw
damdaming nabulag

Malalim na bangin,
patalim ay nakawin

Multong panaginip,
buhay nakasilip

Palalong lawin,
ang bigat ng bagsak

Bulung-bulungan,
katotohanan ba’y nasaan?

Pamilyang watak watak
basag na ang batingaw

Trapong pira-piraso,
salamin ko’y binubuo

mga patak ng luhang
naging batu bato

Saranggolang pula,
pikit ang kaluluwa

Tinig naririnig
sa buod ng kaakuhan

Dalisay na puso,
saksi ng kalikasan

Bituing maririkit,
di maaring makamtan

Paalam mundong hiram,
landas ko’y walang hanggan

Bakas ng kinabukasan,
naukit sa kalooban

Alingaw-ngaw sa parang
sumasayaw ang mga langgam

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s